Ipinahayag ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na mas mainam ang pag-aadjust ng presyo ng Department of Energy (DOE) kaysa hayaang kontrolin ito ng mga pribadong oil companies.
Kasunod ito ng pahayag ng DOE na may kapangyarihan silang magtakda ng presyo ng petroleum products sa ilalim ng state of national energy emergency. Ayon kay Lacson, dapat gamitin ng gobyerno ang kapangyarihang ito basta’t makatwiran ang computation ng presyo.
Giit pa ng senador, malinaw sa batas na may kapangyarihan ang DOE na mag-regulate ng presyo kung kinakailangan para sa public interest, at mas maayos ito kaysa sa derektang pagdikta ng oil firms.
Nagpahayag naman si Sen. Imee Marcos ng pag-aalala, sinasabing wala namang nagbago sa mandato ng DOE at kinuwestiyon ang timing ng price control lalo na kung bumababa ang global oil prices.
Sa gitna ng tensyon sa Middle East, patuloy na tumataas ang presyo ng gasolina sa bansa, na nakaapekto sa transport sector, mga mangingisda, at magsasaka dahil sa dagdag-gastos sa operasyon at pamumuhay. ( report by Bombo Jai)
















