Maaaring magbunga ng kakulangan ng suplay ng bigas sa lokal na lebel ang ipapatupad na price cap sa bigas ng pamahalaan.
Ito ang inihayag ng ekonomista at House Committee on Ways and Means chairman Joey Salceda.
Kayat ayon sa mambabatas para maiwasan ang anumang kakulangan sa suplay ng bigas dapat na hindi mas mataas ang price cap sa equilibrium price.
Dapat din aniya na tiyakin ng Department of Agriculture na mayroong sapat na suplay sa mga palengke sa lahat ng geographical areas.
Ang pag-monitor din aniya sa suplay ng bigas ay hindi lamang dapat national level kundi maging sa lokal na lebel at kailangan na magbigay ng augmentation sa suplay sa mga rice-deficient areas.
Sa kabila nito, sinabi ng mambabatas na justified naman aniya ang price cap na makakatulong para maiwasan ang hoarding ng bigas.
Samantala, bababa naman aniya ang presyo ng bigas kapag tatanggalin na ng India ang rice export ban nito subalit binigyang diin p rin ang rice policy ng bansa na tutukan ang pagpapalago pa ang lokal na produksiyon ng bigas sa bansa.