-- Advertisements --
image 137

Maaari lamang ipatupad ang price ceiling sa bigas sa loob ng ilang linggo dahil ang supply ng food staple ay makikitang magiging matatag sa lalong madaling panahon.

Ipinunto ni DTI Assistant Secretary Agaton Teodoro Uvero na ang price cap sa presyo ng bigas, na nagkabisa noong Martes, Setyembre 5, ay “pansamantalang panukala” lamang.

Aniya, sa ilang linggo, magsisimula na ang panahon ng pag-aani ng mgs magsasaka.

Inaasahan na pagdating ng anihan, marami nang lokal na suplay at bababa na umano ang presyo ng bigas.

Sinabi ni Uvero na inaasahan ng mga awtoridad na tatatag ang suplay ng bigas sa loob ng tatlong linggo.

Dagdag pa ng opisyal na nagkaroon ng consensus ang DTI, NEDA, at iba pang ahensya na hindi ito dapat magtagal ngunit depende ito aniya sa resulta sa merkado.

Nauna nang inaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang magkasanib na rekomendasyon ng Department of Agriculture (DA) at DTI na magtakda ng price ceiling sa bigas sa bansa sa gitna ng pagtaas ng presyo ng bigas sa mga lokal na pamilihan.