-- Advertisements --
image 73

Bumaba ang presyo ng bigas sa buong bansa noong nakalipas na buwan subalit nananatiling mas mataas kumpara noong nakalipas na taon.

Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) National Statistician Dennis Mapa, bumaba sa 13.2% noong Oktubre ang rice inflation na may pinakamalaking ambag sa food basket mula sa 17.9% noong Setyembre.

Ayon pa sa PSA official, may pagbaba sa presyo ng regular at well-milled rice kung ikukumpara sa datos noong Setyembre.

Kung saan ang average price para sa regular milled rice sa buong bansa sa ₱45.40 kada kilo, .

Bumaba din ang kada kilo ng well milled ricw sa ₱51 mula sa ₱52.70 noong Setyembre.

Natapyasan din ang presyo ng special rice sa ₱61 mula sa ₱61.10.