Pinangalanan ng Philippine Military Academy (PMA) ngayong Huwebes ang mga top-performing cadets ng Siklab-Laya Class of 2025, kung saan nanguna si Cadet First Class Jessie Ticar Jr.—anak ng isang tindera sa Quezon City.
Si Ticar ay nagtapos bilang summa cum laude, at ikaapat lamang sa kasaysayan ng PMA na nagkamit ng ganitong karangalan.
Ayon kay PMA Superintendent Vice Admiral Caesar Bernard Valencia, humarap sa matitinding hamon ng buhay si Ticar, kabilang ang kahirapan at pag-aadjust sa kanyang pag-aaral.
Ibinahagi ni Ticar na ang kanyang ina ay nagtitinda lamang ng ballpen at sobre, habang ang kanyang ama ay may kapansanan.
Samantala, inanunsyo ni Valencia na simula sa susunod na taon ay isusulong ang bagong curriculum ng PMA na nakatuon sa teknolohiya at depensa.
Kabilang sa mga bagong subjects ay cyber warfare, artificial intelligence, asymmetric warfare, at drone warfare, bilang paghahanda sa mga makabagong hamon sa pambansang seguridad ng Pilipinas.