-- Advertisements --
BIGAS 2

Ikinababahala ng grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa posibilidad ng pagsipa ng presyo ng well-milled rice sa mga merkado ng bansa.

Ayon kay SINAG Chairman Rosendo So, maaaring aabot ng hanggang P52 kada kilo ang presyo ng naturang uri ng bigas, pagsapit ng Disyembre.

Ito ay sa gitna ng kasalukuyang ng mataas na farmgate price ng palay.

Ayon kay So, nakapag-ani na ang mga magsasaka ng hanggang 80% ng kabuuang rice supply sa Pilipinas, habang ang nalalabing 15% ay inaasahang maaani sa mga susunod na araw.

Batay sa monitoring, umaabot sa P28 ang kada kilong presyo ng palay sa malaking bahagi ng bansa.

Ibig sabihin, maaaring aabot ang presyo ng bigas mula P52 hanggang P54 kada kilo.

Maalalang una nang ibinabala ng naturang grupo ang kahalintulad na problema nitong nakalipas na buwan, kayat inirekomenda nito ang pagpapanumbalik sa price cap na unang ipinatupad sa bansa.

Malaki ang posibilidad, ayon sa grupo, na babawiin ng mga traders sa mga panindang bigas ang mataas na ibinabayad sa kada-kilong farmgate price ng palay.