Bababantayan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang presyo ng mga Noche Buena items ngayong papalapit na ang holiday season.
Ayon kay DTI Assistant Secretary Atty. Ann Claire Cabochan na mayroon man silang makitang pagtataas sa presyo ng kanilang tinaguriang seasonal products ay bunsod na din ito ng iba’t ibang kadahilanan.
Ilan na dito ay ang oil price hike, transportation cost, pati na ang foreign exchange lalo’t patuloy sa paggalaw ang piso kontra dolyar.
Inihayag naman ni Cabochan na pakiusapan ang mga manufacturers alang-alang sa consuming public.
Dagdag pa ng DTI official mayroon talagang mga manufacturers na hindi ginagalaw ang kanilang presyuhan sa kanilang mga paninda dahil na din sa pagtugon sa kanilang pakiusap na huwag nang magtaas.
Sa ngayon ay maganda pa naman ang supply ng mga Noche Buena items na mabibili sa merkado lalo’t ilang araw pa naman bago sumapit ang Kapaskuhan.