-- Advertisements --

Binabaan na ng electric car company na Tesla ang presyo ng kanilang China-built cars ilang araw lamang matapos simulan ang delivery para sa mga ito.

Mula sa presyong 355,800 yuan (2,610,426 pesos) ay bumaba ang bentahan para sa Shanghai-made Model 3 sedan ng 323,800 yuan (2,375,046 pesos).

Dahil na rin umano sa government subsidies ay posible pang mas bumaba ang presyo ng naturang modelo ng sasakyan ng hanggang 299,050 yuan (2,196,019 pesos), ito ay mas mababa ng 16% mula sa orihinal nitong presyo.

Noong 2019 nang buksan ng Tesla ang kanilang car factory sa Shanghai at sinimulan ang produksyon ng mga sasakyan sa loob lamang ng 10 buwan.

Naging bukas ito sa pagtanggap ng Model 3 car orders na gawa sa China noong Oktubre 25.

Una nang nakatanggap ang 15 empleyado ng Tesla ng kani-kanilang Model 3 cars na gawa sa China.

Sinabi ni Wang Hao, general manager ng Tesla sa China, mas marami pa umanong kotse ang ipapadala sa kanilang mga empleyado sa mga susunod na araw.

Sa susunod na buwan naman ay ipapadala na rin ang order na sasakyan ng kanilang mga customers.