flowers baguio benguet

BAGUIO CITY – Bahagyang tumaas ang presyo ng mga bulaklak sa La Trinidad, Benguet kasabay ng pag-obserba sa araw ng mga patay.

Ayon sa mga cut flower vendors na nakapanayam ng Bombo Radyo Baguio, nadagdagan ng P10 hanggang P20 ang presyo ng mga bulaklak.

Sa ngayon ay nagkakahalaga ang:

Chrysanthemum – P150 -160 per dozen
Chrysanthemum arrangement large – P300-350
Chrysanthemum arrangement medium – P120-150
Chrysanthemum arrangement small – P100-80
Alstro – P50 per dozen
Aster – P60-50 per bundle
Anahaw – P25 per bundle
Malaysian mums – P80-P120
Anthurium – before P100 now its P120

Sinabi ng mga vendors, kahit tumaas ang halaga ng mga bulaklak mula pa noong nakaraang araw ay inaaasahang bababa ang presyo ng mga ito ngayong araw para mas madaling maibenta ang mga ito.

Nanggagaling pa sa Benguet, lalo na sa bayan ng La Trinidad ang maraming suplay ng mga bulaklak na ibinebenta sa iba’t ibang panig ng bansa.