-- Advertisements --
Pinayuhan ng mga supplier ang mga vendor na tataas ang presyo ng mga itlog dahil sa banta ng bird flu at mamahaling feeds.
Sa kasalukuyan, nasa P7.00 hanggang P8.00 ang presyo ng mga itlog sa Balintawak Market sa Quezon City.
Kada nasa tatlo hanggang apat na araw umano nagtataas ng presyo ng itlog ang mga suppliers.
Nauna nang inihayag ni Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Kristine Evangelista na kanilang kinu-kumbinse ang mga producer na taasa ang produksyon dahil sa tumataas na demand ng mga itlog.
Nilinaw naman nito na maraming egg producers ang ayaw mag-operare ng full capacity dahil sa banta ng bird flu.