-- Advertisements --
image 519

Patuloy na tumataas ang retail prices ng mga gulay isang buwan matapos ang pananalasa ng Super Typhoon Egay at pinalakas na pag-ulan dulot ng monsoon o habagat sa maraming lugar sa bansa.

Ang presyo kasi ng kamatis ay umabot na sa P170 kada kilo matapos ang pagbaba ng presyo noong Abril dahil sa oversupply, nang bumaba ang mga gastos hanggang sa P3 kada kilo.

Batay sa monitoring ng Department of Agriculture (DA), iba-iba ang presyo ng retail ng mga kamatis sa iba’t-ibang merkado sa buong bansa.

Kung matatandaan, ang presyo nito ay nasa pagitan ng P60 at P100 kada kilo noong Hulyo, bago ang pananalasa ng nagdaang Bagyong Egay.

Noong Abril 2, kinumpirma ng DA na bumaba ang farmgate price ng mga kamatis sa P3 hanggang P5 kada kilo sa gitna ng oversupply.

Bukod sa kamatis, tumaas din ang tingi ng karamihan sa mga gulay.

Kabilang dito ang cabbage, baguio beans, pechay, at talong.

Sa pinakahuling tala ng DA, ang pinsala sa agrikultura sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas ay umabot na din kasi sa mahigit P200.08 million.