Tiniyak at kinumpirma ng Department of Migrant Workers na ligtas ang sinundo nitong 31 na Overseas Filipino Workers na naipit sa na-delay nilang flight pabalik ng bansa.
Ito ay matapos panandaliang isara ng Qatar ang airspace nito ngayong araw kaya’t nagbunga para maantala ang nakatakda at nakaskedyul na flight ng repatriation ng ilang kababayang Pilipino.
Ayon sa isinapublikong pahayag ng Department of Migrant Workers sa pamamagitan ng mensahe ni Secretary Hans Leo Cacdac, kanilang sineguro ang kaligtasan ng mga kasamang OFWs.
Anila’y nakatutok ang mga opisyal ng pamahalaan lalo na ang embahada ng Pilipinas matugunan lamang ang pag-repatriate sa mga Pilipinong naipit sa hidwaan ng Iran at Israel.
Ito rin ay naayon raw sa mandato ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bigyan ng tulong asiste at tiyakin ang koordinasyon sa mga otoridad ng Qatari.
Nakikipag-ugnayan na rin anila ang kagawaran sa Qatari Ministry of Interior na siyang nangunguna sa planong pagpapabalik ng mga Pilipino sa bansa kaya’t ito’y ipinapagpapasalamat ng Department of Migrant Workers.
Kaya’t bunga nito’y hiling at panawagan nila na iwasan ang pagkakalat ng maling impormasyon upang maibsan ang pagkakaroon ng ‘panic’ kasabay ng paalalang maging kalmado lalo na sa mga OFWs sa Middle East.
Habang sa mga pamilya naman ng mga Overseas Filipino Workers na na-repatriate ay makakaasa umano sila na patuloy ang mga isinasagawang aksyon ng ahensya matiyak lamang ang ligtas nitong pag-uwi sa Pilipinas.