-- Advertisements --

Inaasahang bababa ng hanggang 30% ang mga presyo ng galunggong (round scad) at iba pang pelagic na isda ay
sa mga darating na buwan.

Ito ay kasunod ng pagsisimula ng open fishing season sa Palawan na nagsisilbing pangunahing mapagkukunan para sa Luzon.

Ang pinakabagong datos na makukuha mula sa Department of Agriculture (DA) ay nagpapakita na ang mga retail na presyo ng lokal na galunggong sa Metro Manila ay mula P200 hanggang P330 kada kilo noong Pebrero 2, mula P200 hanggang P280 kada kilo noong Oktubre 31, 2023, isang araw bago ang nagsimula ang closed fishing season.

Ang presyo naman ng imported na galunggong ay nasa P180 hanggang P260 kada kilo.

Ang tatlong buwang closed fishing season ay para sa galunggong sa Palawan ay nagsimula noong Nob. 1, 2023, at tumagal hanggang Enero 31, 2024.

Ipinagbabawal din ang pangingisda ng sardinas, herring, at mackerel sa karagatan ng Visayan mula Nob. 15 , at tatagal naman hanggang Pebrero 15.

Ayon kay DA spokesperson Arnel de Mesa, dahil nagsimula na ang closed fishing season, inaasahang bababa na ng bahagya ang presyo ng galunggong at iba pang mga isda.