-- Advertisements --
Posibleng sa Abril 2020 pa babalik sa normal ang presyo ng mga isdang galungong.
Sinabi ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar, na sa nabanggit na buwan ay magiging harvest season o ang panahon kung saan marami ang nasabing isda.
Dahil sa dami aniya ng suplay ay tiyak na bababa ang presyo ng galunggong.
Magugunitang umabot sa P300 per kilo ang nasabing isda na ang itinuturing dahilan ay ang malamig na panahon.
Habang mataas pa ang presyo ng galunggong ay hinikayat ng kalihim na maghanap na lamang ng ibang uri ng isda na pamalit dito.