-- Advertisements --

Asahan ang tuluyang pagbaba ng presyo ng mga bigas sa loob ng isa o dalawang linggo.

Sinabi ni Federation of Free Farmers Cooperative chair Leonardo Montemayor, na nagsimula na anihan at tiyak na darami ang suplay ng palay.

Kailangan lamang ng maghintay ng sandali dahil sa dadaan pa sa gilingan ang mga palay na siyang magdadala
ng pagbaba ng presyo ng mga bigas.

Hindi naman nito binanggit kung magkano ang maaring ibaba ng presyo ng bigas.

Sa nasabing mga pagdami ng suplay ay tiyak na magiging stable na ang presyo ng mga bigas.