-- Advertisements --

Posibleng tumaas ng P4 o mas mataas pa ang presyo ng bigas base sa pagtaya ng grupo ng magsasaka na Federation of Free Farmers Cooperative.

Ito ay dahil na rin sa mataas na presyo ng langis na nakadagdag sa delivery cost ng bigas.

Ayon pa sa kooperatiba na ang pagtaas ng presyo ng pataba ang isa sa nakadagdag sa kanilang pasanin.

Una rito, tumaas ng P12,000 hanggang P15,000 ang presyo ng pataba noong nakalipas na buwan na nagpataas ng rice production cost ng P3 kada kilo.

Nagresulota ito sa profit margin na P4 lamang kada kilo.

May ilang mga nagtitinda ng bigas ang nagtaas na rin ng presyo ng kanilang mga paninda noong nakalipas na buwan.

Subalit dahil sa reklamo ng ilang mamimili, hindi nila mapataas ang presyo ng bigas.

Sa kasalukuyan ang presyo ng lokal na variants ng bigas ay naglalaro sa P38 hanggang P40 kada kilo.