Binigyang-diin ni House Ways and Means Chairman at Albay Rep. Joey Sarte Salceda na mahalaga ang “immediate and long-term solutions” para itaas ang suplay ng bigas ng sa gayon matugunan ang problema sa gutom sa mga lugar na tinaguriang non-rice producing communities sa bansa partikular ang National Capital Region (NCR).
Batay kasi sa datos sa isinagawang survey tumaas ang gutom sa sarili sa NCR mula sa 10.7 percent nuong buwan ng Marso at nasa 15.7 percent nitong buwan ng Hunyo 2023.
Ibig sabihin nasa 700,000 katao ang gutom, dahil ang NCR ay napaka sensitive sa pag angkat ng bigas.
Ang pahayag ni Salceda ay bunsod sa babala ng Department of Agriculture na posibleng tumaas pa ang presyo ng imported na bigas sa mga darating na linggo kumpara sa retail prices.
Ipinunto ni Salceda na dapat na rin tugunan ng DA ang isyu sa gutom kaya nararapat lamang na magbigay na ang ahensiya ng agarang at long-term solutions sa suplay ng bigas sa bansa.
Iminimungkahi naman ni Salceda na dapat magsagawa na ng pag rebyu sa mga programa sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).
Nakatakda sa susunod na taon ang six-year period para sa mandatory review ng Rice Tariffication Law.
Isusulong ni Salceda ang pagsasagawa ng review sa RCEF programs ng isang Congressional Oversight Committee on Agricultural and Fisheries Modernization (COCAFM).
“The RCEF programs are very supply-side. So, we might even consider shifting the RCEF monies towards a price support for domestic rice produced. That way, the incentive is behavioral. If you produce more, we buy more from yo,” pahayag ni Salceda.