Iniulat ng Philippine Statistics Authority na nagkaroon ng pagtaas sa presyo ng 21 agricultural products sa merkado nitong buwan ng Pebrero 2024.
Sa ulat, ang kamatis ang nagkaroon ng pinakamatasas na dagdag sa presyo na mula sa dating Php50, ngayon ay nagkakahalaga na sa Php90 ngayong Pebrero.
Kabilang din sa nagtaas ang presyo ay ang calamansi na nagkakahalaga na sa Php90 mula sa dating Php60, habang ang presyo naman ng talong ngayon ay pumapalo na sa Php60 mula sa dating Php40, at ampalaya na ngayon ay nasa Php60 na mula sa dating Php50.
Samantala, paliwanag naman ni Samahang Industriya ng Agrikultura
president Rosendo So, nagmahal ang presyo ng mga agricultural products nang dahil sa mababang supply nito nang dahil sa kakaunting pananim ng mga magsasaka nang dahil sa mababang presyuhan nito sa nakalipas na mga buwan.