Umaasa ngayon ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) na magiging matagumpay at magkakaroon ng positibong tugon ang mga Local Government Units (LGUs) sa kanilang isasagawang hosting ng first Local Government Units (LGUs) Forum sa October 25.
Sinabi ni Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) chairperson at chief executive officer Undersecretary Elpidio Jordan Jr. layon ng naturang aktibidad na maiprisinta ang kanilang mga proyekto para sa fiscal year 2023.
Kasama na rin dito ang mga programa para sa nalalapit na Urban Poor Solidarity Week (UPSW) sa buwan ng Disyembre.
Layon din ng forum na madagdagan ang awareness ng mga LGUS sa Presidential Commission for the Urban Poor programs at services.
Puwede raw itong gamitin ng mga urban poor communities para sa maabot ang inaasam nilang mas magandang buhay.
Naka-focus daw ang forum sa pagpapalawak sa mga oportunidad sa mga urban poor sa pakikipag-partner Sa mga LGUs sa Metro Manila at Luzon.
Dagdag ng opisyal, makakatulong din umano ang forum sa fulfillment ng Presidential Commission for the Urban Poor sa mandato nitong magsilbi bilang direct link sa pagitan ng gobyerno at urban poor Sa policy formulation at program implementation.