Kampante raw ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) na nasa tamang landas ang kanilang programang pagbibigay ng serbisyo sa mga indigent Filipinos.
Kasunod na rin ito nang pag-ani ni PCUP chairperson Undersecretary Elpidio Jordan Jr. ng papuri mula sa kanyang mga constituents kabilang na ang Commission division heads sa buong bansa kasabay ng ika-100 araw nito sa puwesto.
Kinilala si Jordan dahil sa kanyang ilang inisyatiba kabilang na ang paghahanda sa Urban Poor Solidarity Week (UPSW) sa buwan ng Disyembre ngayong taon.
At ang planong pagpapatupad ng four banner pro-poor programs ng Presidential Commission for the Urban Poor sa taong 2023.
Pinapuriha din si Usec. Jordan ng mga opisyal ng komisyon at ng mga rank and file dahil sa pagbabalik niya sa ahensiya sa track para maisakatuparan ang mandato nitong magsilbi sa marginalized at underprivileged sectors.
Partikular na rito ang urban poor communities at informal settler families (ISFs) sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Kasabay nito, tiniyak naman ni Jordan na ipagpapatuloy nito ang mga measures na magiging daan para mag-benefit hindi lamang ang mga mahihirap na pamilya pero maging ng Presidential Commission for the Urban Poor personnel na nagnanais na magkaroon ng magandang buhay at masiguro ang kanilang kinabukasan.
Ang Presidential Commission for the Urban Poor ay nilikha noong 1986 at ang operasyon nito ay nasa ilalim ng Office of the President.
Layon nitong i-promote at protektahan ang karapatan ng urban poor kabilang na ang mga informal settler families.