Kasunod ng naging desisyon ng International Criminal Court (ICC) na muling bubuksan ang imbestigasyon sa war on drugs ng dating administrasyong Duterte, inihayag ni Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na hindi nito kinikilala ang hurisdiksyon ng international court.
Nanindigan ang dating Senate President na walang sovereign power ang ICC sa Pilipinas.
Aniya, gagawa aniya saiya ng hakbang para ipaaresto ang mga imbestigador ng ICC na pupunta sa bansa para imbestigahan ang war on drugs kapag hindi humingi ang mga ito ng permiso mula sa gobyerno. Masyado na rin aniya silang nakikialam sa internal affairs ng bansa.
Hindi aniya papayagan ng gobyerno ng Pilipinas na imbestigahan ng ICC ang mga opisyal nito.
Nang matanong kung natalakay na niya ang nasabing usapin sa Pangulong Marcos Jr sinabi nito na hindi nila ito pinag-uusapan dahil hindi naman ito siyu.
Una ng ipinahayag noong nakalipas na linggo ng ICC ang pagpapatuloy ng imbestigasyon nito sa extrajudicial killings sa kampanya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte laban sa iligal na droga.