-- Advertisements --

Handa si Senator-elect Panfilo “Ping” Lacson para sa nakaambang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte na posibleng simulan sa Hulyo. 

Bagamat sinabi ni Lacson na handa siya para sa paglilitis, dapat aniyang makumbinsi silang mga tatayong senator-judge ng mga prosecutors mula sa Kamara. 

Dapat aniyang magpresenta ang mga ito ng credible evidence. 

Sinabi ni Lacson na malabong magkaroon ng conviction kung mahina ang ebidensya laban kay Duterte. Ganun din, malabong magkaroon ng acquittal kung malakas ang ebidensya.

Nasungkit ni Lacson ang ikapitong pwesto sa senatorial race ngayong eleksyon 2025. 

Sa pagpasok ng 20th Congress, magsisilbi siyang senator-judge sa impeachment trial laban kay VP Sara na posibleng simulan sa Hulyo 30.