Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Department of Migrant Workers (DMW) at ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na hanapin at tiyakin ang kaligtasan ng lahat ng Pilipino sa Israel, kung saan ang mga pag-atake ng fundamentalist at militanteng Hamas ay humantong sa airstrike sa Gaza.
Sinabi ng MalacaƱang na sakop ng direktiba ang mga pamilya ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa Israel.
Ayon kay Press Secretary Cheloy Garafil, mahigpit na nakikipag-ugnayan ang gobyerno sa Philippine Embassy sa Tel Aviv at Migrant Workers Office (MWO) sa Israel upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipinong apektado sa patuloy na labanan.
Dagdag pa ni Garafil, nagbukas ang DMW ng hotline at ilang Viber at WhatsApp hotline numbers na tatanggap ng mga tawag at query mula sa mga OFW at Filipino community na nangangailangan ng tulong ng gobyerno.
Samantala, sa isang hiwalay na pahayag, kinondena ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang mga pag-atake sa mga sibilyan sa pagitan ng mga pwersa ng Israel at mga militanteng Hamas, na nag-iwan ng higit sa 200 na patay sa kasalukuyan.