Tiwala si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magiging mahusay ang ibibigay na serbisyo ni Vice President Sara Duterte-Carpio sa mga Pinoy.
Ito ang naging reaction ng papasok na pangulo ng bansa kasabay ng inagurasyon ni Duterte-Carpio sa Davao City kanina.
Ayon kay Marcos, proud daw ito sa kanyang running mate noong May 9 elections at alam niyang magiging mahusay itong pangalawang pinakamataas na lider ng bansa.
Si Marcos ay present sa inauguration ceremony sa Davao City kasama ang kanyang asawang si Attorney Liza Araneta-Marcos, anak na si incoming Congressman Sandro Marcos at incoming Executive Secretary Attorney Vic Rodriguez.
Kung maalala, nanalo sa pamamagitan ng landslide ang mag-tandem sa katatapos na halalan.
Kasunod nito ay agad pinili ni Marcos si Duterte-Carpio na pamunuan ang Department of Education (DepEd) sa ilalim ng kanyang administasyon.