-- Advertisements --
chinese warplanes

Ibinulgar ng Taiwanese Defense Ministry na may namataan nanaman itong 43 presensya ng Chinese warplanes at pitong naval vessels na umaaligid malapit sa isla ng Taiwan sa loob ng 24 oras.

Ayon sa Taiwanese military, 37 sa naturang mga Chinese aircraft ang napaulat na tumawid sa median line ng Taiwan Strait sa pagitan ng China at ng naturang isla.

Bukod dito ay iniulat din ng Tawain Defense Ministry na may mga namonitor din itong mga sitwasyon ng scrambled jet fighters, dispatched ships, at nag-activate ng land-based missile systems.

Anila, ang lahat ng ito ay pawang mga standard responses lamang ng Chinese military activities, kabilang na ang pagtawid nito sa air defense identification zone ng Taiwan ngunit hindi sa actual airspace nito.

Kung maaalala, nito lamang Setyembre ay sinabi rin ng Taiwan na mas pinaigting pa ng China ang ginagawa nitong “military intimidation” ngayong taon sa pamamagitan ng pagpapalipad ng dagdag na warplanes nito sa paligid ng kanilang isla.

Ito ay may kaugnayan pa rn sa patuloy na pagke-claim ng China na bahagi ng kanilang teritoryo ang Taiwan dahilan kung bakit nagsasagawa ang mga ito ng kanilang regular na military drills sa paligut ng naturang self-ruled island.