Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde na mananatili hanggang sa susunod na linggo ang mga pulis na idineploy para tiyaking magiging payapa ang pagbabalik eskwela ng nasa 27 milyong estudyante nationwide.

Ayon kay Albayalde, sa sandaling balik na sa normal at maging maayos na talaga ang lahat saka nila aalisin ang mga pulis sa iba’t ibang paaralan.

Nilinaw naman ng PNP chief na ang mga naka-deploy na pulis sa mga eskwelahan ay inilaan para mapanatili ang peace and order.

Sa assessment ng PNP, generally peaceful at walang naitalang mga untoward incidents sa unang araw ng pasukan kahapon.

Pinalalahanan din ng PNP ang publiko na maging alerto laban sa mga criminal elements na magsasamantala sa sitwasyon.

Hinihimok din ng pulisya ang mga magulang na imonitor ang “whereabouts” ng kanilang mga anak.