-- Advertisements --

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na mayroong sapat na suplay ng bigas ang bansa.

Kasunod ito sa pangamba ng marami na kulang ang suplay ng bigas sa bansa kaya ito ay nagmahal ng hanggang P5 kada kilo.

Ayon sa Pangulo na gumagawa ng paraan ang gobyerno para mapanatili ang presyo ng bigas sa mga pamilihan.

“Magpa-plano kami kung kailangan mag-import, kung kailangan magpahaba, magparami ng buffer stock sa NFA dahil masyado ng mababa,‘Yun lang ang nakita naming problema, mababa ‘yung buffer stock ng NFA. Kailangan bumili ‘yung NFA para umabot siya ng at least nine days na buffer stock,”

Kahit aniya na bumili ang National Food Authority (NFA) sa mga local na magsasaka ay hindi pa rin ito sapat para bumaba ang presyo ng bigas.

Una ng sinabi ng Department of Agriculture kung saan ang pangulo rin ang namumuno na ang presyo ng mga unmilled rice ay umabot na sa P23 kada kilo na ito ay mas mataas ng P19 na binibili mula sa NFA.