Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mahigpit nitong i-monitor at isustine ang nationwide clean-up drive program ng gobyerno na tinawag na “Kalinisan sa Bagong Pilipinas” kung saan nagsanib pwersa ang mga barangay officials at mga kabataan sa buong bansa.
Layon ng nationwide clean-up program na mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa bawat barangay.
Inihayag ng Pangulong Marcos kaniyang sisiguraduhin na magtuloy tuloy ang programa at bibigyan ng pagkilala at pararangalan ang mga outstanding na performance.
Binigyang-diin ng chief executive na mahalaga mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa bawat barangay, na isa sa target ng Bagong Pilipinas.
Binati at pinasalamatan ng Pangulo ang mga nakiisa sa clean-up drive nuong nakaraang linggo at naging matagumpay ito kaya nararapat lamang na masustain ang nasabing programa.
Ang clean-up drive ay pinangunahan ni DILG Secretary Benhur Abalos, mga DILG officials sa buong bansa, kasama ang mga newly elected Barangay at SK officials kung saan sabay-sabay na nilinis ang mga kalsada, estero, labas ng mga paaralan at palengke sa bawat komunidad.
Una ng idineklara ni Pang. Marcos na “National Community Development Day” ang January 6.