-- Advertisements --
Sinurpresa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang mga bisita para tignan ang mga Christmas displays sa Malacañang.
Ayon sa Office of the Press Secretary (OPS) na binati ng pangulo ang mga tao habang ito ay patungo sa isang pagtitipon ng mga opisyal at personnel ng Radio and Television Malacañang.
Nauna ng inimbitahan ng pangulo ang publiko na bisitahin ang Kalayaan grounds ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Magiging bukas ang gate ng Palasyo mula Disyembre 18 hanggang 27 ng alas-siyet ng gabi hanggang ala-6 ng umaga.










