-- Advertisements --

Nanatiling matatag ang sports development ng gobyerno para sa mga lahat ng atleta ng bansa.

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa pagbibigay ng parangal at pasasalamat sa mga atletang nagwagi noong 19th Asian Games, sinabi nito na mayroong limang -taon na Sports Development Plan ang Philippine Sports Commission mula 2023 hanggang 2028 para mas lalong magtagumpay ang mga atleta ng bansa.

Isa sa inihalimbawa nito ay ang pagtatag ng National Academy of Sports and development sa New Clark City sa Tarlac na tumutulong humubog sa mga national atletes.

Pinasalamatan din ng Pangulo ang lahat ng mga atleta na lumalahok sa iba’t-ibang torneo sa ibang bansa dahil sa sakripisyo na ibinubuhos ng mga ito para sa bansa.