-- Advertisements --
Patuloy ang ginagawang pagmomonitor ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa paghina ng peso kontra dolyar.
Sinabi ni Press Secretary Trixie Angeles na kasama ng pangulo ang kaniyang economic managers na mahigpit na binabantayan ang paghina ng peso.
Target kasi ng economic managers na magkaroon ng economic growth ng hanggang 7.5 percent.
Magugunitang nitong Martes ay humina ang peso kontra dolyar na mayroong 58.995.