-- Advertisements --

Nakabalik na sa bansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr matapos ang pagdalo nito sa ASEAN-Australia Commemorative Summit sa Melbourne, Australia.

Lumapag ang sinakyan nitong Philippine Airlines Flight 001 ng 11:33 ng gabi nitong Miyerkules.

Pagdating nito ay agad na nagtungo ang pangulo kasama si First Lady LIza Araneta Marcos sa pagamutan para tignan ang kalagayan ni dating First Lady Imelda Marcos na kasalukuyang ginagamot matapos dapuan ng pneumonia.

Sa kaniyang recorded arrival message sinabi ng pangulo na naging makabuluhan ang pagdalo nito sa Summit dahil sa may pagkakataon na natalakay niya sa ibang mga lider ang regional at international issues.