Iniutos na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Department of Agriculture (DA) na direkta nang iugnay ang mga magsasaka o food producers sa mga mamimili o consumers at institutional buyers.
Nangangahulugan ito na tanggal na sa eksena ang mga middleman.
Sa katunayan, sinabi ng Presidential Communications Office na nakapagbenta ang farmers cooperatives and association o fca’s ng higit P2.5 milyong halaga ng mga sibuyas sa institutional buyers mula noong Setyembre 2022 hanggang Enero 24 2023.
Kabilang dito ang higit 3400 kilos ng pulang sibuyas at higit 5 libong kilos ng puting sibuyas.
Ayon sa pco, tumulong sa mga fca ang kadiwa trucks at vans ng da sa pagbiyahe at delivery sa mga palengke.
Kaugnay nito, nag award ang da ng trak na nagkakahalaga ng 1.3 milyong piso sa rice up at sakahon farmers inc.
Tumanggap din ang rice up ng isang milyong pisong financial grant sa pamamagitan ng enhanced kadiwa ni ani at kita progam na malaki ang naitulong para direktang maibagsak ang mga produkto mula sa mga magsasaka patungo sa mga palengke.