-- Advertisements --

Matapos ang kaniyang paggaling sa COVID-19 ay nanawagan Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr sa mga mamamayan na magpaturok na ng COVID-19 vaccines ganun din ang magpa-booster na rin.

Sinabi nito na kung hindi ito nabakunahan laban sa COVID-19 at wala pa siyang booster ay malamang magiging malala ang epekto ng COVID-19 sa kaniya.

Dahil dito mahigpit na itong makikipag-ugnayan sa Department of Education (DepEd), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Health (DOH) para sa malawakang kampanya laban sa COVID-19.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay nagpositibo sa COVID-19 ang pangulo kaya ito nag-isolate ng isang linggo.