-- Advertisements --

Puspusan na umano ang pagsasagawa ng preparasyon para kanyang kauna-unahang biyahe ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungo ng Estados Unidos sa susunod na buwan ng September.

Ito ang kinumpirma ni Philippine Ambassador to Washington Jose Manuel Romualdez.

Amb Jose Manuel babes Romualdez DC
Ambassador Jose Manuel Romualdez

Ayon kay Romualdez nakatakda kasing dumalo ang pangulo sa United Nations General Assembly sa New York para magsagawa rin ng kanyang talumpati bilang hudyat ng kanyang pagpalaot sa international diplomatic arena.

Liban nito, ibinahagi rin ni Romualdez na hindi lamang ang nabanggit ang magiging aktibidad ng Pangulong Marcos kundi ilan pang mga bilateral meetings para makaengganyo pa ng mga investments para sa Pilipinas.

Magiging bahagi rin ng schedule ni Marcos ay pakikipagpulong sa iba’t ibang mga American business groups at investors na nais na mag-expand ng operations dito sa bansa.

Hindi naman nabanggit ng ambassador kung kasama sa magiging side meeting ng president si US President Joe Biden.

Samantala, inamin din naman ni Ambassador Marcos, na ngayon pa lamang ay meron na raw na-draft na speech ang Pangulong Marcos na kanyang ibibigay sa harap ng UN General Assembly.

Kung tutuusin daw matagal na umanong naghahanda ang pangulo sa kanyang outline na kanyang tatalakayin sa United Nations.

Handa rin naman daw ang Pangulong BBM na sagutin ang ibinabatong human rights issues lalo na ang war on drugs ng dating Duterte administration.