-- Advertisements --

Ibinida ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang mahigit na $600 milyon na investment pledges sa pagdalo nito sa 30th APEC Leaders Summit sa US.

Dumating sa bansa ang pangulo dakong 9:44 ng gabi kung saan lumapag ang sinakyang eroplano nito sa Villamor Airbase.

Sinabi nito na tiniyak sa kaniya ng ilang mga lider na kaniyang nakausap na naghanda silang mamuhunan sa bansa.

Isa na rito ang nalalapit na matupad na pangarap ng bansa na magkaroon ng nuclear energy sa pamamagitan ng pakikipagsundo sa ilang kumpanya sa US.

Ipinagmalaki rin ng pangulo sa mga lider na kaniyang nakausap ang mga innovation na kaniyang ipinapatupad sa bansa gaya ng pagsulong nito ng digitalization para sa mas mabilis na transaksyon sa bansa.