-- Advertisements --

Dumating na sa Jakarta, Indonesia si Pangulong Ferdinand Marcos Jr para sa kaniyang pagdalo sa 43rd ASEAN Summit.

Lumapag ang sinakyan nitong eroplano dakong 6:59 ng gabi oras sa Pilipinas.

Kasama nito si First Lady Liza Araneta- Marcos kung saan sila ay sinalubong nina Philippine Ambassador to Indonesia Gina Jamoralin, Permanent Representative of the Philippines to ASEAN Hjayceelyn Quintana, Philippine Defense Attaché in Indonesia Col. Emmanuel Canilla, at Police Attaché in Indonesia Police Col. Donald Madamba.

Bago ito umalis ay sinabi ng pangulo na patuloy ang kaniyang promosyon sa Pilipinas para dumami ang maglalagak ng investment.

Pormal na magsisimula ang 43rd ASEAN Summit mula Setyembre 5 hanggang 7.

Ilan sa mga dadaluhan ng Pangulo sa nasabing pagpupulong ay ang 12 leader-level engagements kabilang ang 43rd ASEAN Summit Plenary Sessions, Opening Cermony ng ASEAN Indo-Pacific at 43rd ASEAN Summit Retreat Session.

Makikibahagi ito sa 20th ASEAN India-Summit, 18th East Asia Summit , 3rd ASEAN-Australia Summit, 30th ASEAN UN Summit.