Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pagbuo ng inter-agency task force para sa paghahanda at koordinasyon sa gobyerno para sa FIBA Basketball World Cup 2023 na gaganapin sa bansa.
Sa kaniyang Administrative Oder No. 5, inatasan nito na pangungunahan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang bubuuing task force.
Kabilang sa mga opisina sa nasabing task force ay ang Department of Foreign Affairs, Department of Health, Department of the Interior and Local Government, Department of Public Works and Highways, Department of Tourism, Department of Transportation, Bureau of Customs. Bureau of Immigration, Philippine National Police at
Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Kasama rin na tutulong ang mga government-owned or controlled corporations, state universities at mga colleges.
Hinikayat din nito ang mga local government units, non-government organizations at private sectors na makipagkoordinasyon at suportahan ang FIBA Basketball World Cup 2023.
Nauna ng naglunsad ang Samahang Basketball ng Pilipinas ng volunteer program.
Bukod kasi sa Pilipinas ay kasama ang Indonesia at Japan na magiging host ng 2023 FIBA World Cup na magsisimula mula Agosto 25 hanggang Setyembre 10, 2023.