-- Advertisements --
Nakatakdang bumisita sa Japan sa buwan ng Pebrero si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa pangulo na inimbitahan siya mismo ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida noong nagkausap sila personal sa United Nations General Assembly sa New York noong Setyembre.
Dagdag pa nito na agad niyang tinanggap ang nasabing imbitasyon.
Ang pagbisita niya sa Japan ay kasunod ng pagdalo niya sa economic forum sa Davos, Switzerland.
Inaayos na aniya nila ang petsa ng pagdalaw nito sa Japan kung saan maaring mangyari ito sa ikalawang linggo ng Pebrero.