-- Advertisements --
Nakatakdang mag-usap muli sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at Ukrainian President Volodymyr Zelensky.
Sinabi ni Chargé d’affaires Denys Mykhailiuk , na inaayos na nila ang pag-uusap sa telepono ng dalawang lider.
Ilan sa mga nakatakdang talakayin nila ay ang posibilidad na pag-export sa mga vegetable oil at sunflower oil ng Ukraine sa Pilipinas at ang cooperation sa maritime trade.
Handang ipamahagi ni Zelensky ang kanilang military strategies sa Pilipinas.
Nagpahayag din ito na handang tanggapin ng Ukraine ang mga Filipino migrants kapag natapos na ang kaguluhan nila ng Russia.
Unang nag-usap ang dalawang lider noong nakaraang taon ng bagong upo bilang pangulo si Marcos.