-- Advertisements --
Wala pang napipili si Pangulong Rodrigo Duterte na kaniyang iindorso na tumatakbo sa pagkapangulo sa 2022 national elections.
Sinabi ni Senator Christopher “Bong” Go na mula noong huling nagkausap sila ng pangulo ay hindi pa ito nakakapili na iendorso.
Pinabulaanan din ng long-time aide ng pangulo ang lumabas na usapin na napili na ni Pres. Duterte na iendorso si Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso.
Hindi na rin aniya mapigilan ang halaan kaya normal lamang na may ilang empleyado ng gobyerno ang umalis na sa puwesto para sa pagsuporta ng kanilang napupusuang kandidato.