-- Advertisements --

Pinayuhan ni Pagulong Rodrigo Duterte ang mga mamamayan na huwag magpaturok ng mahigit pa sa dalawang doses ng COVID-19 vaccine.

Sa kaniyang Tak to the People nitong gabi ng Setyembre 30, sinabi nito na huwag sobrahan sa dalawa ang bakuna laban sa COVID-19 dahil ito ay lubhang mapanganib.

Ang pagtuturok ng pangatlong bakuna ay tila ipinagdadamutan na ang iba sa bakuna.

Nauna sinabi ng Food and Drugs Administration (FDA) na kanilang pinag-aaralan ang pagkakaroon ng booster shots ng COVID-19 vaccines subalit hindi naman sang-ayon dito ang World Health Organizations (WHO) dahil marami pa ring mga bansa ang hindi nabibigyan ng sapat na bakuna.