-- Advertisements --

DAVAO CITY – Muli na namang nakagiliwan ng mga tao ang pagmo-motor ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Mainit na sinalubong ng mga Tagumeño si Pangulong Duterte habang sakay ito sa kanyang motor na tatlo ang gulong.

Mula Davao City ay nag-joyride ang pangulo kasama ang Presidential security group at iba pang mga motor riders.

Na-una nang sinabi ni senator Bong Go na magiging palagian na ang pagmo-motor ngayon ng pangulo dahil magkakaroon na ito ng malaking panahon pagkatapus ng kanyang temrino sa June 30, 2022.

Binisita rin ni Senator Bong Go ang Malasakit Center sa Davao Regional Medical Center (DRMC) upang iturn-over ang P100 million na cheque bilang social assistance para sa hospital bills ng mga pasyente nito.

Matatandaan na noong nakaraang buwan binisita rin ni Pangulong Duterte ang Digos city, Davao del Sur sakay ng kanyang motor mula Davao city.