-- Advertisements --
Itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong sobrang suplay ng bakuna laban sa COVID-19.
Sa kaniyang talk to the people nitong Martes ng gabi, sinabi ng pangulo na sapat ang nabiling bakuna ng gobyerno para sa populasyon ng bansa.
Ang tanging problema lamang aniya ay may mga indibidwal na ayaw magpabakuna.
Handa na aniyang gamitin ang mga bakuna at ipinanukala pa nito na kung maaari ay mag-house-to-house ang Department of Health para magturok ng mga COVID-19 sa mga residente.
Nanawagan din ito sa mga mamamayan na hindi pa nagpabakuna na magpaturok na ng COVID-19 vaccine para hindi masayang ang mga bakuna.










