-- Advertisements --

Nakatakdang ianunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang dahilan sa kung bakit hindi niya suportado ang pagtakbo sa pagkapangulo nina dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr at Senator Manny Pacquiao.

Sa naging online interview ng pro-Duterte vlogger na si Byron Cristobal, sinabi nito na sa mga susunod na mga araw ay ilalahad nito ang tunay na dahilan sa hindi pagsuporta sa nasabing dalawang kandidato.

Isinagawa nito ang pahayag matapos ang pagsama nito sa dating aide na si Senator Christopher “Bong” Go sa Commission on Elections (COMELEC) na iatras ang kaniyang kandidatura sa pagka-bise presidente at naghain ng kaniyang certificate of candidacy (COC) sa pagkapangulo.

Paliwanag pa ng pangulo na matagal na niyang kilala ang senador kaya buo ang pagsuporta niya dito.

Pinuri din ng pangulo ang pagiging tapat ni Go kaya nararapat na wala ng iba itong susuportahan.