Inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang karagdagang cash incentives para sa lahat ng mga atletang Pinoy na nakakuha ng medalya sa katatapos na 30th Southeast Asian Games.

Magbibigay ang pangulo ng karagdagang P250,000 cash incentives para sa mga gold medalist habang P150,000 sa mga silver medalist at P100,000 sa mga bronze medalist.

Isasagawa ang nasabing pagbibigay ng incentives sa darating na Disyembre 18 kasabay ng courtesy call ng team Philippines.

Ang nasabing cash incentives ay bukod pa sa nakasaad sa batas kung saan nakasaad sa Republic Act 1066 na makakatanggap ng P300,000 sa bawat isa ang mga gold medalist, P150,000 sa mga silver medalist at P60,000 sa mga bronze medalist.