Australian Open
Australia Open / IG post

Tinaasan na ng organizers ang Australian Open ang kanilang premyo.

Umaabot na ito ngayon ng $49.1 million ang kabuuang premyo o 13.6% na ito ay mas mataas.

Sa bawat women’s at men’s single winners ay makakatanggap ng $2.85 million.

Sa loob ng limang taon ay umaabot na sa 61.4% ang itinaas ng premyo.

Mas mataas na ito ngayon kumpara sa ilang mga Grand Slam tournaments gaya ng French Open, Wimbledon at US Open.

Gaganapin ang Australian Open Mula Enero 20 hanggang Pebrero 2 sa Mebourne Park.