Reading Time: 1 minute

Nagdulot ng takot ang granada na dinala ng isang bata sa pre-school class nito sa Kristianstand, Sweden.

Napulot umano ng bata ang granada sa isang military firing range.

Tumawag naman agad sa pulisya ang isang guro para iulat ang naturang explosive device.

Ayon sa mga ito, mapanganib ang granada na nakuha umano ng bata sa Rinkaby firing range.

Kaugnay nito, isinara ng mga otoridad ang lugar at tinawag ang national bomb squad para neutralisahin ang granada.

Nabatid na malaki ang magiging pinsala kung sumabog ang granada. (AFP)