Pumalo na ng 58.7 million voters sa Estados Unidos ang bumoto na para sa nalalapit na 2020 US Presidential Elections.
Batay sa ginawang survey ng mga elec6tion officials mula sa 50 estado at Washington, DC, ay nabatid na nalagpasan na nito ang early ballots noong 2016 elections.
Aabot lang aniya ng 58.3 million pre-election ballots ang natanggap ng mga election officials noong 2016, kasama na rito ang mga balota sa tatlong vote-by-mail states.
Sa natitirang siyam na araw bago ang eleksyon, ay mas tumataas pa ang bilang ng mga American nationals na bumoboto sa kabila ng nagpapatuloy na coronavirus pandemic.
Kasabay nito ay nagpapatuloy din ang mga reports ng iba’t ibang estado sa kanilang record-breaking tuornouts ng balota dahil karamihan umano ng mga botante sa mga estado ay gustong makaboto ng maaga.