-- Advertisements --

Kinansela ni Pope Francis ang kaniyang taunang tradisyon na pre-Christmas rite sa darating na Disyembre 8 dahil sa COVID-19 restriction.

Ayon sa Vatican, na hindi muna isasagawa ng Santo Papa ang wreath laying ng bulaklak sa base ng 12-meter column katabi ang statue ni Madonna.

Nagdesisyon ang Vatican na hindi na isagawa ni Pope Francis ang nasabing tradisyon kasabay ng piyesta ng Immaculate Conception mula pa noong 1953. para hindi na dagsain pa ng mga tao.

Nauna ng isinagawa na lamang sa indoor ang lingguhang public participation ng Santo Papa para hindi ito mahawaan ng COVID-19.